Senior Associate Justice Antonio Carpio itinalaga bilang chair ng Senate Electoral Tribunal; Associate Justice Diosdado Peralta inilagay bilang chair ng House of Representatives Electoral Tribunal
Ito ay batay sa Special Order Number 2626 na pirmado ni Chief Justice Lucas Bersamin.
Inilagay naman bilang miyembro ng SET sina Justices Mariano Del Castillo at Marvic Leonen.
Si Associate Justice Diosdado Peralta naman ang magsisilbing chair ng House of Representatives Electoral Tribunal o HRET.
Miyembro naman ng HRET sina Justices Estela Perlas-Bernabe at Francis Jardeleza.
Samantala, nireorganisa rin ng Korte Suprema ang raffle committees nito.
Si Carpio ang magsisilbing chair En banc raffle committee habang si Peralta naman ang Divison Raffle Committee chair.
Ang reorganisasyon ay bunsod ng pagkakatalaga kay Bersamin bilang Chief Justice.