Senior citizens at may medical conditions, pinagdodoble-ingat ng Malacañang dahil sa pagtaas ng kritikal na kaso ng COVID-19
Muling nagpaalala ang pamahalaan sa mga senior citizen at mga may medical condition na doblehin ang pag-iingat.
Kasunod ito ng nakitang datos ng Department of Health ( DOH) na tumaas ang mayroong kritikal na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque nasa 3 porsiyento na ngayon ang mga pasyenteng nasa kategoryang kritikal.
Kaya paalala ng Malacañang sa mga senior citizen at may medical conditions na manatili sa bahay para makaiwas sa virus.
Ayon kay Roque, bukod sa mga nasa 60 taong gulang pataas ay dapat din na huwag lumabas ng tahanan ang mga kabataang mayroong sakit at mga buntis.
Inihayag ni Roque batay sa record ng DOH sa kabuuang bilang ng active COVID-19 cases sa bansa, 9.2 % ay asymptomatic, 86.5 % ang mild, 1.3 % ay severe at nasa 3 porsiyento ang kritikal.
Vic Somintac