Senior citizens na kumpleto na ang bakuna, pwede nang lumabas ng bahay.
Malaya nang makalalabas ng kanilang mga bahay ang mga senior citizen na fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).
Batay ito sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF)
Pero nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, “Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols.”
Umaasa ang pamahalaan na makatutulong ang pagluluwag na ito para mahikayat ang iba pang senior citizens na magpabakuna na laban sa COVID-19.
“The IATF likewise allowed the movement of fully vaccinated senior citizens in areas under General Community Quarantine and Modified General Community Quarantine, subject to presentation of a duly issued COVID-19 vaccination card, and strict observance of the minimum public health standards.
“The movement of fully vaccinated senior is, however, limited to travel within their zone as interzonal travel is still prohibited, except for point-to-point travel that was previously allowed”.