Senior citizens sa Sta. Rosa, Laguna, sinimulan na ring bakunahan laban sa COVID-19
Inumpisahan na rin na bakunahan kontra COVID-19 ang mga senior citizen sa Santa Rosa City, Laguna.
Isinagawa ang pagbabakuna sa apat na vaccination sites sa lungsod.
Ito ay sa City Health Office 2, St. James Hospital, Sta. Rosa Hospital and Medical Center, at QualiMed Hospital.
Ang CoronaVac na gawa ng Sinovac mula sa China ang itinurok sa mga senior citizen.
Ang mga binakunahan ay ang mga nagparehistro online sa vaccine portal ng Santa Rosa.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa senior citizens sa mga susunod na araw hanggang sa may suplay ng bakuna galing sa DOH.
Ayon sa Santa Rosa City LGU, inaasahang sa Hunyo o Hulyo pa darating ang binili nitong bakuna mula sa AstraZeneca.
Umaabot naman sa mahigit 3,400 healthcare workers sa Santa Rosa ang nakatanggap na ng unang dose ng anti-COVID vaccines.
Moira Encina