Sept. 13, inaprubahang pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 13, 2021 bilang pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ito ang isa sa mga petsa na inirekomenda ni Education secretary Leonor Briones sa Pangulo.
Dahil dito, nagpahayag ng pasasalamat ang Deped kay Pangulong Duterte.
Gaya ng nakalipas na school year, ipatutupad pa rin ang Blended Learning ngayong taon sanhi ng Covid-19 Pandemic.
Sinabi ni Deped Undersecretary Diosdado San Antonio, hinihintay pa nila ang approval para sa kahilingang face-to-face classes sa ilang lugar.
Kumpiyansa si San Antonio na nagkaroon na ng improvement ang blended learning ngayong school year dahil nakapag-adjust na ang karamihan sa mga guro at estduyante nitong nakalipas na academic year.
Hindi na rin nila inaasahan ang maraming transferees mula sa mga private school dahil sa naging pag-unlad na sa implementasyon ng blended learning.