September revenue collection target, nalampasan ng 5.3 percent
Nakapagtala ang Bureau of Customs (BOC) ng pinakamalaki nilang monthly collection nitong Setyembre, kung saan nalampasan ng 5.3% ang collection target.
Ayon sa BOC, ang 59.9 billion pesos na nakolekta ay lumampas sa target na 56.9 billion pesos.
Kumakatawan din ito sa ika-siyam na magkakasunod na buwan, na ang bureau ay lumampas sa buwanang target collection ng 2021.
Batay sa paunang report mula sa BOC-Financial Service, walo mula sa 17 collection districts ang humigit sa kanilang target para sa Setyembre, ito ay ang Ports ng Limay, Manila, San Fernando, Zamboanga, Davao, Iloilo, Legaspi, at Clark.
Iniu-ugnay din ng bureau ang magandang revenue collection performance sa mas pinahusay na valuation at pinaigting na collection efforts ng lahat ng ports, sa improvement ng importation volume at pagsisikap ng gobyerno na tiyakin ang tuloy-tuloy na movement ng mga goods, lokal man o internasyonal sa kabila ng pandemya.
Pinuri naman ni Commissioner Rey Leonardo Guererro ang BOC para sa kanilang commiment, sa kabila ng panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan.
Ayon sa bureau, nakakolekta na sila ng 472.204 billion pesos simula Enero, o 76.6% ng 2021 target collection na 616.749 billion pesos.