Serbisyo sa mga paliparan, dapat unahin muna ng MIAA sa halip na magtaas ng terminal fee

Hinimok ni Senador Grace Poe ang Manila International Airport Authority (MIAA) na ayusin muna ang serbisyo sa mga pasahero bago magtaas ng singil sa terminal fee.

Sa harap ito ng plano ng MIAA na itaas sa 300 pesos mula sa kasalukuyang 200 ang terminal fee sa Domestic at 750 sa International.

Tinukoy ni Poe ang halos dalawang araw na pagkakaparalisa ng paliparan nang mangyari ang Xiamen incident pero walang maayos na serbisyo sa mga naistranded na pasahero.

Hindi rin gumana ng maayos ang sound system ng NAIA dahilan kaya magkaroon ng kalituhan ang mga pasahero kung matutuloy o hindi ang kanilang biyahe.

Plano ng Senador na magpatawag ng imbestigasyon sa isyu dahil tinatayang 42 million na mga pasahero ang maaaring maapektuhan sa hakbang ng MIAA.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *