Pagkaantala ng Australian Open, tinawag na ‘blessing’ ni Serena
MELBOURNE, Australia (Agence France-Presse) – Aminado si Serena Williams, na maaaring napilitan siyang hindi maglaro sa Australian Open, kung hindi ito na-delay dahil sa coronavirus.
Ito’y dahil sa kinaillangan niya ng dagdag na panahon para magpagaling mula sa tinamong achilles injury, na naging sanhi rin para maudlot ang kaniyang mga laro sa nagdaang 2020 season.
Aniya, hindi sya makapag-practice dahil sa kaniyang injury, kaya blessing na hindi natuloy sa itinakdang panahon ang Australian Open.
Matatandaang na-postpone ng tatlong linggo ang torneo dahil sa coronavirus.
Tinamo ni Williams ang naturang injury sa US Open ng nakalipas na taon, at umatras din sya sa French Open bago ang second round, kayat nahiinto na ang kaniyang 2020 campaign.
Ngunit muling susubukan ng 39-anyos na manlalaro na makuha ang kaniyang 24th Grand Slam title sa susunod na linggo.
Tinalo ni Williams si Daria Gavrilova sa kaniyang Yarra Valley Classic opener sa Melbourne.
Tila hindi nagtamo ng injury ang seven-time Australian Open champion na si Williams sa agresibo nyang laro laban kay Gavrilova, kung saan dinomina nya ang laro sa score na 6-1, 6-4 sa ginanap na build-up tournament nitong Lunes.
Tinalo rin ni Williams ang world number three na si Naomi Osaka, sa isang exhibition match sa Adelaide noong Biyernes.
Samantala, sunod namang makakalaban ni Serena ay si Tsvetana Pironkova ng Bulgaria sa round of 16.
Magsisimula ang Australian Open sa ika-walo ng Pebrero.
Liza Flores