Sereno Quo Warranto case pinal na dedesisyunan ngayong buwan ng Korte Suprema

Pinal na pagpapasyahan ngayong buwan ng Korte Suprema ang Quo warranto petition laban sa napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, mahalagang madesisyunan nila sa lalong madaling panahon ang apela ni Sereno sa Quo warranto ruling para tuluyan nang makausad ang Hudikatura.

Ipinunto pa ni Carpio na dapat sundin ang desisyon ng mayorya ng Korte Suprema sa mga kaso gaya sa Quo Warranto dahil ito ang diwa ng demokrasya.

Siya man daw ay parte ng minorya sa Quo warranto pero kailangan niya itong tanggapin sang-ayon man o hindi dahil sa ganitong paraan lang silang makaka-move on.

Tiniyak naman ni Carpio na kahit nabawasan sila ng isa ay “business as usual” at “normal” na nagagampanan ng Supreme Court ang kanilang tungkulin dahil sila may quorom sila sa lahat ng kaso.

Samantala, sa website ng Korte Suprema makikita na wala na ang larawan at pangalan ni Sereno bilang Punong Mahistrado sa listahan ng mga Justices.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *