Service frontliners ng mga establisimyento sa Region 12, pinauunlad ng DOT
Nakatutok ang Department of Tourism o DOT-Region 12 sa pagpapaunlad sa mga abilidad at kakayanan ng mga service frontliners ng mga establisimyentong accredited ng ahensya sa Tacurong City at Sultan Kudarat province.
Mahigit sa 30 mga frontliners mula sa iba’t-ibang mga hotels at restaurants sa Tacurong City at mga kalapit bayan ng Isulan, President Quirino, Esperanza at Bagumbayan ang sumabak sa 3 days training na isinagawa ng DOT.
Nilayon ng pagsasanay na maiangat ang kakayahan ng mga nagtatrabaho sa tourism industry upang mas maging kaaya-aya ang kanilang serbisyo sa mga turista at maging dahilan rin ng pagtangkilk sa mga serbisyo at tourist destinations sa nasabing mga lugar.
Ayon kay DOT- Region 12 Director Nelly Nita Dillera, kabilang sa mga training programs na ibinigay sa mg participants ay ang Customer relations, Front office at Reception, Food preparation, Sanitation, events management, Restaurant services, Community Culinary, Tour packaging at iba pa.