Serye ng pag-atake sa mga empleyado ng Customs, iniimbestigahan ng PNP

PNP chief, Gen. Dionardo Carlos (File photo / pna.gov.ph)

Inaanalisa na ng Philippine National Police (PNP) ang mga kaso para makapag-establish ng possible leads sa mga serye ng pag-atake na ang target ay mga empleyado ng Bureau of Custom (BOC).

Ayon kay PNP chief, Gen. Dionardo Carlos . . . “It is unlikely that this is an isolated case since the first two incidents happened last December. Then, the next one was last January. Now, another BOC employee was shot dead. I am instructing our investigators to get all the necessary pieces of evidence.”

Pinakahuli sa nasabing mga pag-atake ay ang pagbaril sa BOC information technology (IT) operator na si Gil Manlapaz, sa harap ng kaniyang bahay sa Sta. Ana, Maynila noong gabi ng February 11.

Ayon sa mga saksi, ang biktima ay papalapit sa kaniyang sasakyan nang barilin siya ng isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at puting helmet, na tumakas matapos ang pamamaril.

Nangyari ang pag-atake dalawang araw lamang makaraan ang isang grenade attack, sa bahay ni Customs Deputy Commissioner Teddy Raval sa Barangay Roxas District, Quezon City noong February 9.

Lumitaw sa record ng pulisya, na mayroon nang apat na insidente ng pag-atake laban sa BOC employees mula December 2021 hanggang Enero ngayong taon.

Nakuha ng PNP ang isang closed circuit television (CCTV) camera footage, kung saan makikita si Manlapaz na sinusundan ng suspek ilang minuto bago ang pamamaril.

Ani Carlos . . . “This will be helpful since we also have CCTV records of the previous crime incidents. Now, we want to find out if there are similarities on how these injustices were executed.”

Please follow and like us: