Seryoso ang Comelec na harangin ang kandidatura ng mga pasaway na kandidato sa BSKE
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, higit 80 ang inisyal na sasampahan nila ng disqualification cases dahil sa premature campaigning.
Hindi kasi aniya katanggap-tanggap ang paliwanag ng mga ito na nailagay ang kanilang campaign poster bago pa ang filing ng certificate of candidacy…dahil ayon kay Garcia..puwede naman itong alisin pagkatapos maghain ng kandidatura.
Ang iba naman aniya, ikinatwiran na kalabang kandidato ang naglagay ng poster…pero nakakaduda ayon kay Garcia dahil magaganda ang mga nasabing poster.
Paalala ni Garcia, ang campaign period ay sa October 19 hanggang 28 pa.
Nasa 2173 show cause orders na aniya ang kanilang naisilbi kaugnay ng nalalapit na BSKE.
Sa bilang na ito, 240 kandidato palang ang nagbigay ng paliwanag.
May 141 reklamo naman ang na-drop dahil sa kawalan ng basehan.
Pagkatapos maisampa ang reklamo ay ira-raffle ito sa mga dibisyon ng
Comelec para sa pagdinig at target mailabas ang desisyon bago ang October 30 BSKE.
Madelyn Moratillo