Sewerage system sa Metro Manila, pinaiimbestigahan na rin sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Cynthia Villar sa Senate committee on Environment ang Wastewater treatment at Sewerage system sa Metro Manila.
Nangangamba si Villar na posibleng ito ang dahilan kaya patuloy na nasisira ang kalidad ng tubig sa Manila bay.
Katunayan batay aniya sa pagsusuri matindi na ang bacteria at lason sa Manila bay dahilan kaya hindi ligtas kainin ang mga nahuhuling isda doon.
Sa kaniyang inihaing Resolution 747, nais ng Senador na tingnan kung may mga tubo rin ng mga palikuran ang naka konekta sa manila bay gaya ng nangyari sa Boracay.
Nakakalungkot aniya na sa kabila ng mga ginagawang hakbang para malinis ang Manila Bay ay lalo pang lumalala ang kalidad ng tubig nito dahil sa hindi maayos na solid waste management at ang kakulangan ng pasilidad para sa tamang proper wastewater disposal.
Ulat ni Meanne Corvera