SFA Enrique Manalo dadalo sa sa security conference sa Munich, Germany sa Pebrero
Inimbitahan si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na lumahok sa 59th Munich Security Policy Conference sa Germany.
Sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza na gaganapin ang security conference sa Pebrero 17 hanggang 18.
Aniya, ito ang ikalawang pagkakataon na dadalo ang Pilipinas sa MSC.
Ang una aniya ay si dating Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin noong 2019.
Ayon kay Daza, ang MSC ang nangungunang forum sa mundo sa pagdebate sa international security policies and issues.
Nagsisilbi rin itong platform sa pagtataguyod ng kapayapaan sa pamamagitan ng dayalogo.
May mga oportunidad din aniya para sa bilateral at multilateral meetings sa sidelines ng programa para maisulong at makarating sa mga solusyon sa mga security concern sa buong mundo.
Inaasahan din na ipiprisinta doon ng German federal government ang kanilang bagong national security strategy.
Moira Encina