SFA Enrique Manalo nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Chinese President Jiang Zemin
Sumulat sa book of condolences sa Chinese Embassy si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para ipaabot ang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Chinese President Jiang Zemin.
Sinabi ni Manalo na ang dating pangulo ang nanguna sa kahanga-hangang paglago at pagtatag ng ekonomiya ng Tsina.
Ayon sa kalihim, lubos na nakikisimpatiya ang Pilipinas sa pagluluksa ng China.
Samantala, nakipag-pulong naman si Manalo kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Aniya, tinalakay sa maiksi nilang pag-uusap ang bilateral cooperation ng Pilipinas at Tsina.
Nagpasalamat naman ang Chinese diplomat sa pakikiramay ni Manalo.
Una nang nagpadala ang Pilipinas sa Tsina ng note verbale kaugnay sa insidente malapit sa Pag-asa Island noong Oktubre kung saan sinasabing sapilitang kinuha ng China Coast Guard mula sa mga tauhan ng Philippine Navy ang lumulutang na rocket debris.
Moira Encina