Sheikh Hasina babalik sa Bangladesh para sa eleksiyon
(Reuters) – Sinabi ng anak na lalaki ni dating Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina, na babalik ang kaniyang ina sa kanilang bansa kapag nagpasya ang bagong government caretaker na magsagawa ng eleksiyon, ngunit hindi pa malinaw kung tatakbo ito.
Si Hasina ay tumakas sa katabing bansa na India noong Lunes makaraan na ang ilang linggong mararahas na mga protesta ay pumuwersa sa kaniya na magbitiw na.
Isang caretaker government na pinamumunuan ni Nobel Peace laureate Muhammad Yunus ang nanumpa noong Huwebes, na ang magiging gampanin ay ang magsagawa ng eleksiyon.
Ayon sa anak na lalaki ni Hasina na si Sajjeb Wazed Joy, na nakabase sa U.S, “For the time being, she (Hasina) is in India. She will go back to Bangladesh the moment the interim government decides to hold an election.”
Subali’t hindi niya tinukoy kung ang 76-anyos niyang ina ay tatakbo sa eleksiyon, “My mother would have retired from politics after the current term.”
Dagdag pa nito, “I never had any political ambition and was settled in the US. But the developments in the Bangladesh in the past few days show that there is a leadership vacuum. I had to get active for the sake of the party and I am at the forefront now.”
Ang partidong Awami League ni Hasina ay hindi kabilang sa pansamantalang gobyerno, kasunod ng isang pag-aalsa na pinamunuan ng mga mag-aaral laban sa matagal nang dating punong ministro, na tumakas pagkatapos ng mga karahasan sa buong bansa na ikinamatay ng humigit-kumulang 300 katao at pakasugat naman ng libu-libo.
Siya ay nagkakanlong sa isang safe house sa New Delhi area.
Iniulat ng Indian media na plano ni Hasina na humingi ng asylum sa Britain, ngunit tumanggi ang British Home Office na magkomento.
Nitong Huwebes ay sinabi ng foreign minister ng India, na nakipag-usap siya sa kaniyang British counterpart tungkol sa Bangladesh, ngunit hindi ito nagbahagi ng anumang detalye.