Shell, mamumuhunan ng $5-6 na bilyon kada taon sa green energy
LONDON, United Kingdom (AFP) – Mag-i-invest ang Anglo-Dutch oil giant Shell ng hanggang $6 billion (4.9 billion euros) kada taon sa green energy, matapos tumaas ang kanilang oil output noong 2019.
Ang kompanya ay naglaan ng extra cash para sa biofuels, electric car charging at renewables, at sinabing ang crude oil production ng grupo ay unti-unti nang bumababa.
Sa isang pahayag ng kompanya ay nakasaad . . . “Shell today set out its strategy to accelerate its transformation into a provider of net-zero emissions energy products and services.”
Kinumpirma ng Shell ang kanilang inaasahan na ang kabuuang carbon emissions para sa kompanya ay lumakas noong 2018, at ang oil production ay tumaas noong 2019.
Sinabi ni Shell chief executive Ben van Beurden . . . “Our accelerated strategy will drive down carbon emissions and will deliver value for our shareholders, our customers and wider society. We must give our customers the products and services they want and need — products that have the lowest environmental impact. At the same time, we will use our established strengths to build on our competitive portfolio as we make the transition to be a net-zero emissions business in step with society.”
Ang naturang update ay nangyari isang linggo matapos i-anunsyo ng Shell ang napakalaki nilang kalugihan sanhi ng pandemya, kung saan nabawasan ang demand at presyo ng mga produktong langis noong 2020.
Ang Shell ay nalugi ng $21.7 billion (18.1 billion euros) noong nakalipas na taon, matapos magsara ang mga pabrika at hindi muna bumiyahe ang mga eroplano.
Nagbawas rin ng maraming trabaho ang Shell, na sumasalamin sa sitwasyon ng sektor ng enerhiya.
Ang British rival naman ng Shell na BP, na nagbawas ng nasa 10,000 trabaho, ay nag-ulat ng $20.3 billion na pagkalugi, habang ang US giant Exxon Mobil naman ay nalugi ng $22.4 billion.
Samantala, inanunsyo ng French Total na babaguhin nila ang kanilang pangalan at gagawing TotalEnergies, para maging hudyat ng paghiwalay na rin nito sa fossil fuels, kasabay nito ay iniulat na rin ang $7.2-billion na pagkalugi noong isang taon.
Matapos magsimula ang pag-iral ng mga lockdown hanggang sa pagtatapos ng first quarter ng nakalipas na taon, ay bumagsak ang halaga ng langis kung saan saglit pa itong naging negatibo.
© Agence France-Presse