Shellfish ban, nananatiling nakataas sa ilang baybayin sa bansa
Nananatiling nakataas ang shellfish ban sa ilang baybayin sa bansa.
Batay sa Shellfish Bulletin No. 25 series of 2021 na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Local Government Units (LGUs), ipinagbabawal ang paghango at pagbebenta ng mga shellfish mula sa mga sumusunod na baybayin:
- Milagros sa Masbate
- coastal waters ng Dauis atTagbilaran City sa Bohol
- San Pedro Bay sa Western Samar
- coastal waters ng Biliran Islands
- Carigara Bay sa Leyte
- Matarinao Bay sa Eastern Samar
- Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur
- Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte
- at Lianga Bay sa Surigao del Sur
Ayon sa BFAR ang mga nasabing baybayin ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.
Lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na hinango mula sa mganasbaing lugar ay hindi ligtas kainin ng mga tao.
Samantala, maaari namang kainin ang mga isda, hipon at alimango na makukuha mula sa mga nasabing karagatan ngunit tiyakin lamang na sariwa ito, nahugasan at naalis ang mga hasang bago lutuin.