Shipping containers, iko-convert na rin bilang mobile health facility ng DPWH
Kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa sinimulan na rin ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-convert sa mga shipping containers bilang mobile health facilities.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, may isang prototype health facility ng nai-convert ang DPWH National Capital Region mula sa isang shipping container.
Sinabi ni Villar na bagamat bahagyang bumagal ang pagkalat ng virus, dapat na maging handa parin sakaling lumala ang sitwasyon.
Nabatid na una ng inirekomenda ng DPWH Task Force ang pagconvert sa mga shipping containers bilang emergency healthcare facilities na ginagawa na rin umano maging sa ibang bansa.
May apat na shipping containers na inihanda ang DPWH para isailalim sa convertion bilang mobile health facility para sa Covid patients.
Kaya umano nitong makapag accommodate ng 16 na pasyente. Ang isang 40-footer shipping container ay hinahati sa 4 na kwarto batay na rin sa guidelines at recommendations ng DPWH para magkaron ng tamang ventilation, lalagyan rin umano ang bawat kwarto ng toilet and bath area.
Ang 20 feet long shipping container ay gagawin naman bilang nurse stations, utility room at separate temporary quarters para sa mga healthcare service personnel.
Ang mga mobile hospitals naman na ito ay ilalagay sa mga mangangailangang ospital na mayroong grounds o open public spaces.
Ulat ni Madz Moratillo