Isang daliri sa shooting hand ng forward ng Hornets na si Gordon Hayward, may injury
WASHINGTON, United States (AFP) — Nagkaroon ng fracture sa ilalim ng bahagi ng kaniyang hinliliit, ang forward ng Charlotte Hornets na si Gordon Hayward, dahilan para hindi siya makapaglaro sa pre-season game ng NBA.
Ayon sa Hornets, dahil ang kaniyang injury ay hindi naman nangangailangan ng operasyon kaya siya ay ilalagay muna sa day-to-day list.
Natamo ni Hayward ang injury sa isang pre-season game, kung saan tinalo sila ng Toronto Raptors nitong Lunes.
Sa pahayag ng club, ang injury ni Hayward ay isang avulsion fracture, kung saan nag-loose ang isang maliit na buto na nakakabit sa isang tendon o ligament.
Si Hayward, na tumanggi sa $ 34.2 million na alok upang muling maglaro sa koponan ng Boston Celtics noong Nobyembre para maging isang free agent, ay lumagda naman sa Hornets para sa isang four-year deal na napaulat na nagkakahalaga ng $120 million.
Maliban sa isa, ay na-miss ni Hayward ang lahat ng laro sa 2017-18 season kasama ang Celtics, matapos magtamo ng grisly foot at ankle injury sa kaniyang season debut.
Si Hayward ay may average na 17.5 points, 6.7 rebounds at 4.1 assists sa nakaraang season noong sya ay kasama pa ng Celtics.
Bubuksan ng Hornets ang 2020-21 season sa December 23, kung saan makakalaban nila ang Cavaliers sa Cleveland.
© Agence France-Presse