Shortage sa suplay ng isda, pinangangambahan kapag hindi umalis ang mga Chinese vessel sa WPS
Nagbabala si Senador Francis Pangilinan sa posibilidad ng kakulangan sa suplay at magmahal rin ang presyo ng isda sa bansa kapag hindi tuluyang napaalis ang mga sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea.
Tinukoy ng Senador ang reklamo ng mga mangingisda sa Zambales na kakaunti ang nahuhuli dahil sa presensya ng mga barko ng China na naka- angkla mahigit 100 kilometro ang layo sa San Antonio, Zambales.
Kung dati rati aniya kumikita ang mga mangingisda ng 4,000 piso sa bawat palaot pero ngayon umuuwing walang huli o sapat lang pangkain ng pamilya.
Ayon sa Senador hindi lang banta sa pagkuha sa teritoryo ng Pilipinas ang ginagawa ng China kundi ang problemang dala nito sa suplay ng pagkain ng mga Filipino.
Matindi na aniya ang problema sa mataas na presyo ng baboy dahil sa African Swine Fever kaya hindi na ito dapat madagdagan ng posibleng pagtaas ng presyo ng isda.
Pinakikilos ng Senador ang Department of Agriculture at Bureau of Fish and Aquatic Resources na tulungan ang mga apektadong mangingisda habang nananatili ang presensya doon ng China.
Sen. Kiko Pangilinan:
“May problema na tayo sa pork shortage. Wag naman pati fish shortage dahil sigurado, pag nangyari ito, magmamahal din pati isda (We already have a pork shortage problem. Let’s not allow a fish shortage because for sure it will raise fish prices“Mahirap magmahal ang pagkain, di lang heart-broken aabutin natin, kundi pati sakit ng sikmura”.
Meanne Corvera