Si Mommy Kim ng Sydney, Australia
Magandang araw sa lahat ng ating mga kapitbahay!
Last week ay nakipagkuwentuhan tayo sa isang Pinay sa Sydney, Australia, si Mommy Kimberly Olago.
Alam po ninyo siya ay mahilig mag-vlog ng meal preparations.
Kaya naitanong ko sa kaniya kung bakit niya ito ginagawa?
Narito po ang bahagi ng aming kuwentuhan, share ko lang sa inyo.
Makapag-inspire sa iba at maibahagi ang kaniyang kaalaman sa pagluluto sa iba pang mommy na tulad niya kaya siya nag-vlog, pati kung ano ang day today na activity niya sa Sydney.
Nagtatrabaho siya sa isang warehouse at sa Sydney ay kasama niya ang kaniyang mister at tatlong anak na edad, 17,13, at 9.
Sabi pa niya, 2015 nang dumating silang mag-asawa ng Sydney habang 2017 ang kanilang mga anak.
Isang nurse si Mommy Kim dito sa Pilipinas sa Palayan, Nueva Ecija bagaman lumaki siya sa Cabanatuan.
Subalit hindi na niya naipagpatuloy ang pagiging nurse sa Sydney dahil sa iba-ibang kadahilanan.
Isa sa hindi nalilimutang gawin ni Mommy Kim sa araw-araw ay mag-vlog nga ay ang paghahanda niya ng pagkain nilang pamilya.
Limang meals ang inihahanda niya good for one week na puro pang dinner dahil sabi nga niya, doon lamang sila magkakasamang kumakain ng kaniyang pamilya dahil sa umaga hanggang hapon ay nasa school ang mga bata habang si mister ay nasa trabaho naman.
Sa una, mahirap gawin ang maghanda ng meal na pang-isang lingo lalo pa nga at hangga’t maaari ay ayaw niyang nag-uulit ng ulam.
Maliban lamang sa mga paboritong pagkain ng kaniyang mga anak gaya ng sardinas na ginisa may lahok na gulay o kahit na walang gulay at longganisa.
Hanggang sa masanay na rin.
Kapag ito aniya ang ulam, talagang ganadong kumain ang pamilya niya.
Sabi ni Mommy Kim, una, nag-iisip muna siya ng meal.
Tinitiyak niyang balance diet, at ikalawa ay nakalista lahat ang ingredients.
At kapag hindi niya afford ang presyo ng ingredient ay naghahanap siya ng alterative o magiging pamalit na sangkap na mas mura.
Malaking tulong ang internet sabi ni mommy Kim dahil dito puwedeng makita ang maaari mong ipamalit na mga sangkap ng isang recipe.
Sinisikap niyang hindi maulit ang ulam nila, kung sakali every after two weeks.
Samantala, napagkuwentuhan din namin ang ukol sa kulturang pinoy at banggit nga niya, pinakamaganda ang kultura natin lalo na ang ukol sa pagrespeto o paggalang sa mga matatanda.
Sa Australia kasi, walang ate, walang kuya, walang tita unless kamag-anak.
Hindi katulad dito sa atin.
Maging ang pagsasabi ng po at opo ay laging itinuturo nilang mag-asawa sa kanilang mga anak.
Kaya nga ang anak niyang bunso na nine years old, na hindi marunong magtagalog ay talagang pinag-aaralan ang ating wika sa pamamagitan ng Google translate para matuto.
Kapag magkakasama silang pamilya lagi niyang payo sa mga anak ma mag-enjoy, maging masaya at maging appreciative sa kung anuman ang meron sila.
Be thankful and grateful!
Siyanga pala, sa mga gustong makita ang kaniyang vlog sa meal preparations, sa You Tube at FB pakitype ang Team-O.
So, ayan mga kapitbahay, sana kahit papaano ay nakapaghatid ito ng inspirasyon sa inyo.
Until next time!