Signal #2, itinaas ng PAGASA sa Surigao del Sur dahil sa bagyong Basyang. Klase sa Surigao del Norte, sinuspinde
Bahagyang bumagal ang bagyong basyang habang kumikilos ng pakanluran.
Huling namataan ng pagasa ang bagyo sa layong 620 km East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro kada ortas. Nakataas ang babala ng bagyo bilang dalawa sa Surigao del Sur.
Signal number 1 naman sa Southern portion ng Samar, southern portion ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor , Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, at northern portion ng Zamboanga del Norte
Samantala, Sinuspinde na an klase mula sa Pre- School hanggang elementary sa pampribado at pampublikong paaralan sa Surigao del Norte dahil sa bagyong Basyang.
Inaasahan ding magdadala ang bagyong Basyan ng bahagya hanggang malakas na pag-ulan sa katimugang bahagi ng Leyte at nalalabing bahagi ng Leyte province.
Kaugnay nito ay patuloy na pinapaalalahanan ang mga kinauukulan na manatiling nakaalerto sa lahat ng oras sa mga posibilidad ng mga pagbaha at landslides.