Signal no. 1 nakataas sa Cagayan at Isabela
Napanatili ng Super Typhoon Betty ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran.
Sa 11 a.m. bulletin ng state weather bureau PAGASA, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela.
Namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,170 kilometers sa silangan ng Central Luzon kaninang alas-10 ng umaga.
Ang super typhoon Betty ay may taglay na lakas ng hangin na 195 kilometers per hour malapit sa gitna at may bugso na aabot sa 240 kph sa bilis na 30 kph.
“Over the weekend, Super Typhoon Betty is forecast to track generally west northwestward. On Monday, the tropical cyclone will turn northwestward and decelerate as it moves over the waters east of Extreme Northern Luzon,” sinabi ng PAGASA sa kanilang Advisory no. 2.
“Betty may eventually become almost stationary between late Tuesday and early Wendnesday when it will be closes to Batanes (i.e., within 250-300 km).”
Sakop naman ng Tropical Cyclone Signal no. 1 ang eastern portion ng Cagayan (Sta Ana, Gonzaga, lal-lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey) kasama ang Babuyan at Camiguin Islands; gayundin ang eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Dinapigue, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, at Cabagan).
Sa ulat ng PAGASA, posibleng itaas ang signals number 2 at 3 ang mga isla sa Northern Luzon tip habang papalapit sa landmass ang super typhoon Betty.
Pinalalakas din nito ang southwest monsoon o Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA, Visayas at Mindanao simula sa Linggo.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards,” dagdag pa ng PAGASA.
Ang Super Typhoon Betty ang pangalawang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2023, at unang bagyo na nasa super typhoon category.
Weng dela Fuente