Signal No. 2 itinaas na sa ilang bahagi ng Luzon, “Karding” isa nang severe tropical storm
Itinaas na ang signal No. 2 sa ilang bahagi ng Luzon, habang lumakas pa at naging isa nang severe tropical storm si “Karding.”
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng storm signal No. 2:
- southeastern portion ng Isabela (Dinapigue);
- northern portion ng Aurora (Dinalungan, Casiguran, Dilasag); at Polillo Islands.
Samantala, Signal No. 1 naman sa sumusunod na mga lugar:
- southern portion ng Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal);
- nalalabing bahagi ng Isabela;
- Quirino;
- Nueva Vizcaya;
- southern portion ng Apayao (Conner);
- Abra;
- Kalinga;
- Mountain Province;
- Ifugao;
- Benguet;
- southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos);
- Ilocos Sur;
- La Union;
- Pangasinan;
- nalalabing bahagi ng Aurora;
- Nueva Ecija;
- Tarlac;
- Bulacan;
- Pampanga;
- Zambales;
- Bataan;
- Metro Manila;
- northern at central portions ng Quezon (Tagkawayan, Lopez, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, City of Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban, Atimonan, Plaridel, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Lucena City, General Nakar, Real, Infanta);
- Rizal;
- Laguna;
- Cavite;
- northern portion ng Batangas (Malvar, Balete, City of Tanauan, Santo Tomas, Talisay, Laurel);
- Camarines Norte;
- northern at eastern portions ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose); at
- northern portion ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).
Sinabi ng PAGASA na si “Karding” ay namataan 660 kilometro sa silangan, timog-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 595 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangging aabot sa 100 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 125 kilometro bawat oras.
Ayon pa sa PAGASA, mamayang gabi o bukas ng umaga, mahina hanggang katamtaman na minsan ay malakas na pag-ulan ang aasahan sa Batanes, Cagayan, Isabela, hilagang bahagi ng Aurora, Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Samantala, sa nalalabi pang oras ng Linggo hanggang Lunes ng umaga, malakas hanggang sa napakalakas na pag-ulan ang inaasahan sa timugang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, at hilagang bahagi ng Zambales.
Ang Central Luzon naman ay makararanas ng katamtaman hanggang malakas at minsan ay napakalakas na mga pag-ulan.
Sa kabilang dako, ang Cagayan, Ilocos Provinces, Calabarzon, Metro Manila, at nalalabi pang bahagi ng Isabela at Cordillera Administrative Region ay magkakaroon ng katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan.
Dagdag pa ng PAGASA, si “Karding” ay maaaring mag-landfall sa Aurora o Isabela Linggo ng umaga o hapon.