Signal no. 2 itinaas sa 3 lalawigan sanhi ng Typhoon Betty
Isinailalim sa Tropical Cyclone Signal no. 2 ang tatlong lalawigan sa Luzon dahil sa Typhoon Betty.
Sa 5:00 a.m. advisory ng state weather bureau PAGASA, isinailalim sa signal no. 2 ang Batanes, ang hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Didicas Is., Pamuktan Is.) at ang hilagang-silangan ng mainland Cagayan, partikular ang bayan ng Sta. Ana.
Sa forecast ng PAGASA, bahagyang bumilis ang pagkilos ng bagyo habang kumikilos pa-kanlurang hilaga sa silangang bahagi sa karagatan ng Cagayan.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 524 km sa silangan ng Aparri, Cagayan habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour (kph) na may lakas ng hangin na aabot sa 155 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 190 kph.
Samantala, patuloy pa ring nakataas ang Tropical Storm Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod:
- Nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
- Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
- Isabela
- Quirino
- Northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagamag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Ilocos Norte
- Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
- Pilillo Islands
- Northern portion ng Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
- Northeastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma
- Northern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
Sinabi ng PAGASA na inaasahang mabagal na kikilos pa hilagang-kanluran ang bagyong Betty ngayong Lunes at higit pang babagal o almost stationary mula Martes hanggang hapon ng Miyerkules wahang naglalakbay sa silangan ng Batanes.
“Afterwards, the typhoon will turn north northeastward or northeastward on late Wednesday or Thursday and gradually accelerate towards the waters east of Taiwan and the southern portion of Ryukyu Islands. BETTY may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Friday,” ayon pa sa advisory ng PAGASA.
Posibleng i-downgrade ang bagyong Betty sa isang severe tropical storm pagsapit ng Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga – na siyang araw na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Patuloy pa ring inaasahang pai-igtingin ng bagyo ang southwest monsoon o Habagat habang ito ay nasa loob pa ng bansa.
“Occasional gusts are possible in the next 24 hours over localities in the eastern portion of Central Luzon, eastern and southern portions of Southern Luzon that are not under any Wind Signal, and most of Visayas. Such conditions are more likely in coastal and exposed upland/mountainous areas.”
“The western portion of Luzon may experience similar conditions beginning tomorrow or Wednesday,” nakasaad pa sa advisory ng PAGASA.
Patuloy namang nagpapa-alala ang PAGASA sa lahat na patuloy na mag-ingat at subaybayan ang mga advisories sa lagay ng panahon.
Weng dela Fuente