Signal no. 2 nakataas pa rin sa Batanes, bagyong Betty patuloy na humihina
Patuloy pang humina ang Typhoon Betty habang kumikilos sa karagatan na nasa silangan ng Batanes.
Sa 5:00 a.m. bulletin ng state weather bureau PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 320 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes at mabagal na kumikilos pa hilaga hilagang-silangan taglay ang lakas ng hangin na nasa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bugsong hanggang 150 kph.
Nananatiling nakataas sa Batanes ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa Batanes, habang nananatili naman ang signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
- Northern at eastern portions ngI sabela (Sto. Tomas, Sta. Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cagagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
- Eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
- Apayao
- Northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
- Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
“Typhoon Betty is forecast to slowly accelerate today through tomorrow morning while moving generally northward over the water east of Batanes, although some wobbling in its movement and will turn more northeastward beginning tomorrow afternoon or evening,” ayon sa PAGASA advisory.
Sa forecast ng PAGASA posibleng lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Betty bukas ng gabi o sa Biyernes ng umaga.
Inaasahan namang magdadala ng mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa ang pina-igting na southwest monsoon o Habagat dahil sa bagyong Betty.
Weng dela Fuente