SIM Registration extension, pinag-aaralan pa ng DICT
Pinag-aaralan pa rin ng government regulators at stakeholders ang posibleng extension sa sim registration deadline sa April 26.
Sa isang panayam, sinabi n Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan ng National Telecommunications Commission (NTC) na may serye ng mga pagpupulong na isasagawa kasama ang Telcos ngayong linggo para talakayin ang posibleng extension.
Kulang 10 araw bago ang April 26, halos lahat ng Telcos ay humihirit sa gobyerno na palawigin ang deadline.
Ilan sa problema ng mga subscriber ay ang kawalan ng Identification cards (IDs) at digital capabilities.
Batay sa sim registration law, ang kabiguang magparehistro ng kanilang mobile numbers ay magre-resulta sa deactivation.
Isinasaad din sa batas na maaaring magbigay ng maximum 120-day extension ang mga regulatory body kung kakailanganin.
Sa kasalukuyan, wala pa sa kalahati ng kabuuang sim cards na naibenta ang nairehistro na.
Sa datos ng DICT, 69,828,115 sim cards pa lamang sa kabuuang 168,977,773 sim cards ang nairehistro o 41.32%.
Pinakamaraming subscribers na narehistro ang Smart communications (34,720,770) na sinundan ng Globe telecoms (29,967,532), at DITO Telecommunity (5,139,813).
Weng dela Fuente