Simcard registration extension hanggang July 25 na lang
Hindi na papayag ang mga senador na magkaroon pa ng isang extension ang simcard registration.
Ayon kay senador Grace Poe, sa July 25 nakatakda ang deadline ng SIM registration para sa mga existing o dati nang SIM users at pagkatapos nito ay automatic na dapat made-deactivate ang mga hindi naihabol sa huling araw ng registration.
Itinulad pa ni Poe ang deadline ng SIM registration sa pagsusulit ng isang estudyante na dapat pass your papers” na at wala nang ibibigay na extension.
Iginiit ni Poe na dapat maging mahigpit ang regulasyon ng gobyerno dahil wala nang maniniwala sa layunin ng batas kung panay extension na lamang ang kanilang gagawin.
Tiwala si Poe sa pagbaba ng krimen tulad ng mga scams, phishing, at iba pa gamit ang mga SIM dahil ngayon ay may mga guidelines na sa pagbabantay ng mga krimen.
Pagkatapos ng deadline sinabi ni Senador Joel Villanueva na titignan nila paano ang automatic deactivation ng mga hindi narehistrong SIM card at kung nakatulong na mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga scams at iba pang cyber-related crimes gamit ang SIM.
Hinihimok din ni Villanueva ang NTC, PNP at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na paigtingin pa ang information campaigns tungkol sa mga modus na ginagawa para makapanloko ng mga kababayan at manakaw ang kanilang mga kitang pinaghirapan.
Meanne Corvera