Simmons, kabilang sa siyam na NBA stars na kasama sa Australia Olympic squad
MELBOURNE, Australia (Agence France-Presse) – Kabilang sa Tokyo Olympic squad ng Australia, ang Two-time NBA All-Star na si Ben Simmons ng Philadelphia 76ers, Utah Jazz forward na si Joe Ingles at si Patty Mills ng San Antonio Spurs.
Ang mga nabanggit ay kasama sa siyam na NBA players sa team, bagamat pumili rin ang bagong head coach na si Brian Goorjian, ng mga tinatawag na “young blood” dahil tatangkain ng Australia na hamunin ang malalakas na team sa basketball gaya ng United States, Serbia at Spain.
Ang Boomers, na rank number three sa buong mundo, ay bibiyahe sa Japan na may 24 na miembro sa squad, na kinabibilangan din ni Aron Baynes (Toronto Raptors), Matthew Dellavedova (Cleveland Cavaliers), at Josh Green (Dallas Mavericks).
Hindi naman makakasama ang NBA championship-winning centre na si Andrew Bogut, matapos niyang i-anunsyo nitong Disyembre ng nakalipas na taon ang kaniyang immediate retirement, makaraan ang 15 taon ding basketball career.
Sinabi ni Goorjian . . . “It is a well-balanced squad selected by position with a nice blend of experience coupled with a lot of new and exciting players coming through, showing the strength of our local league where the standard of competition is recognised worldwide.”
Nito lamang Nobyembre ng nagdaang taon naging head coach ang American veteran na si Goorjian, bunsod ng biglaang pagbibitiw ng dating Philadelphia 76ers’ coach na si Brett Brown.
Gayunman, malawak ang karanasan ni Goorjian na nanguna sa Australia sa 2004 Athens at 2008 Beijing Olympics.
Liza Flores