Simpleng first aid para sa mga makararanas ng heat stroke, itinuturo ng DOH
Bagaman papalapit pa lang ang summer season maraming na ang nakararanas ng heat stroke.
Ang karamihan ay mga matatanda na ang hanapbuhay ay sa construction o mga taong nakabilad sa araw ng matagal.
Ayon sa Department of Health , patuloy na mararanasan ng publiko ang mataas na temperatura ng bansa bagaman hindi pa opisyal na idinedeklara ng PAGASA ang summer season.
Kaya naman, may itinuturo silang simpleng paraan kung makaranas ng heat stroke.
Kabilang dito ang paglalagay ng yelo sa kili kili, sa mga pulso ng mga kamay at paa para mapababa ang temperatura ng katawan at pagkatapos ay agad na magpadala sa pinakamalapit na clinic o ospital para agad na malapatan ng angkop na lunas.
Ulat ni: Anabelle Surara