Simula ng recount sa boto sa pagka-bise presidente itinakda na ng PET sa March 19
Nakatakda nang simulan ng Presidential Electoral Tribunal o pet sa march 19 ang recount ng mga boto sa pagka- bise presidente noong halalan 2016.
Ang manual recount ay para sa resulta ng boto sa tatlong provinces na tinukoy ni dating senador bongbong marcos sa electoral protest nito laban kay vice president leni robredon
Uunahing bilangin ang mga balota mula sa Camarines Sur dahil ito ay naihatid na sa Supreme Court-Court of Appeals Gymnasium sa Maynila.
tinukoy din bilang pilot province para sa recount ang Iloilo at Negros Oriental.
Ang petsa ng recount ay itinakda matapos parehong magpasya ang kampo nina Marcos at Robreso na iatras ang lahat ng mga nakabinbing mosyon sa PET na balakid sa pag-usad ng recount.
Una nang lumagda si Marcos sa isang joint manifestation na layong ihain sa PET na nagdedeklarang payag sila ni Robredo na iatras ang mga mosyon o anoman nilang aksiyon na nakasasagabal sa proseso ng election protest.
Naghain na rin ng mosyon ang kampo ni robredo na nagaatras sa alinmang mosyon na maaring makapagpaantala sa pagsisimula ng bilangan.
Ulat ni Moira Encina