Simulan natin sa Pechay
Pechay sa atin, sa ibang bansa namn ay mas kilala itong pak choi o bok choy, ito ang Chinese white cabbage . Sa mgha english speaking country , wombok ang tawag. Lalong sumasarap ang lutin kapag may sangkap na pechay . Naku ! Lalo na sa nilagang buto-buto o nilagang baboy . Samantala hindi kumpleto ang sanghkap na gulay ng kare-kare pag walang pechay, at siyempre masarap ang ginisang pechay lalo pa nga at sariwa .
Ano nga ba meron ang pechay kaya mainam na isama sa ating hapag kainan? Sa Collection of Plants at the DOST Wellness Garden, page 38, ang pechay ayon sa clinical studies, tulad ng iba pang carotene-rich and leafy vegetables ay nakatutulong para ma-improve ang blood hermoglobin concentration at mapababa ang kaso ng anemia o makaiwas sa pagiging anemic. Ang pechay ay sagana sa natural antioxidants at may taglay na essential nutrients ( bitamina, phenolics, minerals, fibers), at may high potential kontra oxidative stress, o kapag may imbalance ng free radicals at antioxidants sa katawan. Sa isang pag-aaral ipinapakita na ang pagkonsumo ng pechay at iba pang brassica vegetables gaya ng brocolli, Brussels sprouts, repolyo, cauliflower, kale at singkamas, o cruciferous vegetables, ay nakapagpapabawas sa panganib ng prostate cancer. Posibleng marami na sa mga bumabasa nitong ating artikulo ang nakababatid kung ano ang mga benepisyo ng pechay, pero, para dun sa mga hindi nakakaalam at bilang paalala na rin, narito ang mga benepisyo ng pechay: nagpapalakas ng immune system, naku! need natin ito lalo na sa mga panahon ngayon panlaban sa virus nakatutulong sa kalusugan ng puso at may taglay ding Vitamin C, Vitamin B6, potassium at folate dahil sa may taglay na calcium, phosphorous, zinc, iron ang pechay, nakapagpapatibay ng buto ang isa pang magandang benepisyo nito, mga kapitbahay, kung mataas ang presyon ng dugo o may hypertension ka, nagpapababa ito ng lebel ng blood pressure. At marami pang benepisyo, kaya nga kung hindi ka mahilig kumain nito, it’s about time na gawin mo ng kumain. It is never too late! Samantala, sabi ni tatay Carmelino noong nabubuhay pa ang aking father-in-law, ang pechay daw para mas mabilis na tumubo, lumago, kailangan ay sapat na naaarawan, lalo na’t kung ilalagay sa container. At may nakapagbanggit din sa akin na okay daw ipandilig ang hugas bigas. Sabi ng mga nagtatanim ng pechay, sa loob ng 24 araw o hanggang sa isang buwan ay pwede mag-ani nito. Pwede ninyong panoorin sa YouTube kung paano ang pagtatanim o pagpapatubo nito. Ito rin ang karaniwang inirerekumenda sa mga gustong subukan ang container gardening. Hindi nga ba’t sa mga pinaglagyan ng softdrinks ay pwede na itong itanim? Pechay na pangkonsumo sa bahay, pwede mo pang gawing extra income! Sa mga nag-aalala na baka masayang lang kapag maulan o nagbabago-bago ang panahon, natatandaan ko ang sinabi ni Mr. Don Bustamante (Rooftop Gardening), sa cointainer gardening ay walang kalendaryo ng pagtatanim, tag-init o tag-ulan man, mapoprotektahan ang mga halaman laban sa sikat ng araw o kahit sa malalakas na pag-ulan. Pwedeng ilipat ng lugar dahil nakatanim sa container. Kung katulad n’yo rin ako na hindi mahilig talagang magtanim pero, gustong sumubok dahil kailangan na lalo na sa panahon ngayon, simulan natin sa pechay!