Sinasabing data breach sa kanilang sistema, biniberipika na ng Supreme Court
Biniberipika na ng Management Information Systems Office (MISO) ng Korte Suprema ang isang post sa social media, tungkol sa sinasabing data breach o hacking sa sistema ng Supreme Court.
Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, maglalabas sila ng pahayag sa isyu sa oras na ma-validate ito ng MISO.
Batay sa post sa X ng Philippine-based cybersecurity group na Deep Web Konek, nasa 13,000 records o sensitibong legal data kabilang ang mga pangalan, case details at payment information ang na-hack.
Tiniyak ni Ting na nag-invest at patuloy na nag-i-invest ang SC sa cybersecurity para sa data ng hudikatura lalo na’t idini-digitalize ang proseso ng mga hukuman.
Sinabi naman ni Ting na secure ang lahat ng mga proseso ng SC kabilang ang bar exams.
Moira Encina- Cruz