Sinasabing illegal appointee ni Chief Justice Sereno, nagbitiw na
Nagbitiw na sa puwesto si Atty. Brenda Jay Angeles-Mendoza bilang hepe ng Philippine Mediation center office o PMCO matapos makaladkad sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Si Mendoza ang sinasabing illegal appointee ni Sereno.
Sa isang pahinang sulat sa Supreme Court noong Pebrero 20, sinabi ni Mendoza na siya ay bumababa na bilang Philippine Judicial Academy Chief of Office ng PMCO simula Pebrero 26.
Pero ang tinukoy na dahilan ni Mendoza sa kaniyang resignation ay bunsod ng Environmental Mediation ng isang international organization na nangangailangan ng kaniyang oras.
Una nang kinuwestyon at ipinapawalang-bisa ni SC Associate Justice Teresita de Castro ang illegal appointment ni Sereno kay Mendoza dahil hindi ito inaprubahan ng en banc.
Ayonkay De Castro, si Mendoza ang kauna-unahan at natatanging regular PMCO Chief na itinalaga nang walang PHILJA Board of Trustees resolution at walang approval ng Supreme Court En Banc.
Ulat ni Moira Encina