Sinasabing iregularidad sa proseso sa 2025 budget ng Marikina City, kinuwestiyon ng
Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang konsehal sa lungsod ng Marikina dahil sa sinasabing iregularidad at kawalan ng transparency sa 2025 budget process nito.
Partikular na kinuwestiyon ng mga konsehal ang mabilis na pagpasa o deliberasyon sa mahigit P3.45 billion budget para sa 30 departamento sa loob lang ng isang araw kahit may mga kulang na dokumento.
Kaiba anila ito kumpara sa ibang mga lungsod sa Metro Manila na ilang araw ang pagrebyu at pagkilatis sa kanilang pondo gaya ng Pasig City at Quezon City.
Naniniwala ang mga konsehal na nalabag sa isinasaad na safeguards sa Local Government Code at sa mga gabay ng Department of Budget and Management ang budget process ng Marikina.
Nilinaw ng mga ito na hindi pamumulitika ang ginagawa nila dahil kailangan malaman ng publiko ang pinupuntahan ng kanilang buwis.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Mayor Marcy Teodoro sa nasabing isyu ng budget process ng lungsod.
Moira Encina – Cruz