Singil sa kuryente ngayong Mayo may bawas na 27 sentimos per kilowatt hour
Kahit nagtaasan na ang presyuhan sa world market ay bumaba naman ang benta ng mga Independent Power Producers (IPP) kaya naging sapat ito para makabawi ang pagtaas sa spot market.
Sa panayam kay Meralco Asst. Vice-President at Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito ang dahilan kaya nagkaroon ng ng 27 centavos per kilowatt hour na bawas sa suplay ng kuryente ngayong mayo.
Nauna nang ipinahayag ng Meralco noong Abril na posibleng tumaas ang singil sa kuryente ngayong mayo dahil sa patuloy na pagsasailalim sa red at yellow alert ng Luzon grid.
Samantala, sinabi ni Zaldarriaga na posibleng mag-normalize ang suplay ng kuryente sa buwan pa ng Setyembre batay na rin sa pagtaya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil na rin sa nararanasang el niño.