Sinibak na PNP Anti-Illegal Drugs Group team leader Rafael Dumlao, nagsumite ng kontra-salaysay sa DOJ kaugnay sa Jee Ick Joo case
Ipinagpatuloy ng DOJ panel ang reinvestigation nito sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.
Sa pagdinig, isinumite at pinanumpaan ni dating PNP Anti-Illegal Drugs Group team leader Police Supt. Rafael Dumlao ang kontra-salaysay sa reklamo laban sa kanya.
Muli ring dumalo sa pagdinig ang pangunahing suspek sa krimen na si SPO3 Ricky Sta. Isabel, Jerry Omlang at Gerardo Santiago.
Itinakda ng panel ang susunod na hearing sa March 10 para naman sa counter -affidavit ng mga opisyal ng NBI na idinadawit din sa kaso.
Tiniyak naman ni Atty. Restituto Mendoza, abogado ni Gerardo Mendoza na handa nilang iturnover sa PNP-AKG ang hard drive ng CCTV sa Gream Funeral Parlor kung saan sinasabing nakunan ang pagdadala sa bangkay ng Koreano.
Ulat ni : Moira Encina