Sinopharm documents makukumpleto na sa susunod na linggo, EUA inàasahang màkukuha na rin
Sisikapin Ng Sinopharm na makumpleto sa susunod na linggo ang hinihingi pang mga dokumento ng Food and Drug Administration (FDA) gaya ng clinical result ng ilang bansa gaya ng Egypt, Morocco, Abu Dhabi at Peru para sa aplikasyon ng Emergency Use Authorization.
Kahapon ay inihayag ng FDA na hindi pa nabibigyan ng EUA ang Sinopharm dahil hindi pa nakapagsusumite ng kumpletong requirements partikular ang ukol sa clinical trial result.
Samantala sinabi naman ni Atty. Mark Tolentino, Sinopharm Distributor sa Pilipinas, na noong nakalipas na linggo ay binigyan ng European Union ang Sinopharm ng Certification na katunayan na ligtas itong gamitin.
Napag- alaman na sa buong mundo dalawang bakuna lamang ang binigyan ng General Use Authorization , ito ay ang Pfizer at Sinopharm habang ang iba ay EUA pa lamang ang ibinigay.
Julie Fernando