Sinopharm nag-apply narin ng EUA sa FDA
Naghain narin ng aplikasyon para makakuha ng emergency use authorization sa Food and Drug Administration ang Sinopharm ng China.
Online ang ginawang paraan ng aplikasyon ng Sinopharm.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng FDA ang mga isinumiteng dokumento ng kumpanya.
Matatandaang naging kontrobersyal ang Sinopharm vaccines matapos mabunyag na may ilang miyembro ng PSG ang naturukan na nito sa kabila ng wala pa itong approval noon sa FDA.
Sa ngayon, ang mayroon pa lamang EUA sa bansa ay ang COVID-19 vaccines ng Pfizer BioNtech, AstraZeneca at Sinovac.
Madz Moratillo
Please follow and like us: