Sinovac anti COVID-19 vaccine ng China darating na sa Pilipinas sa linggo – Malakanyang
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na darating na sa bansa galing China ang Sinovac anti COVID-19 vaccine sa araw ng Linggo.
Sinabi ni Roque matapos maiproseso ang mga documentary requirements sa pagitan ng Pilipinas at China ay maipapadala na sa bansa ang 600 thousand doses ng Sinovac anti COVID 19 vaccine na donasyon ng Chinese government.
Ayon kay Roque maaari paring tumanggap ng Sinovac vaccine ang mga medical frontliners sa kabila ng pahayag ng Food and Drug Administration o FDA na hindi ito rekomendado sa kanilang hanay dahil sa resulta ng clinical trial sa mga health workers sa Brazil na 50 percent lamang ang naitalang efficacy rate.
Inihayag ni Roque niliwanag na ni FDA Director General Dr. Eric Domingo na hindi ipinagbabawal na gamitin ng mga medical frontliners ang Sinovac.
Kaugnay nito sinabi ni Dr. Gap Legaspi Director ng University of the Philippines Philippine General Hospital o UP PGH na handa ang kanilang mga medical frontliners na magpabakuna ng Sinovac anti COVID 19 vaccine.
Ayon kay Dr. Legaspi 75 percent ng kanilang medical frontliners ay magpapabakuna kahit anong brand laban sa COVID 19 basta ito ay mayroong Emergency Use Authorization o EUA sapagkat maituturing itong ligtas at epektibo.
Vic somintac