Sinuspinde na ng Commission on Elections ang voter registration sa Israel.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay para na rin masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy roon.
“Ayaw nating isakripisyo ang kanilang buhay kanilang safety siyempre gusto natin protektado sila at the same time walang iniisip na pupunta pa sa embahada o konsulada. Kung nasaang lugar sila mag-stay na lang sila doon para sa kanilang katiwasayan.” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia
Indefinite ang suspension na ito ng Comelec habang patuloy pa ang tensyon sa Israel.
Sa datos ng Comelec, nasa 13,364 ang overseas Filipinos na registered voter sa Israel, pero sa pinakahuling pagdinig ng election registration board noong july 17, may 9,906 aktibong botante roon.
Ayon kay Garcia, sakaling kailanganin, pag-aaralan nila kung kailangang mag-extend ng voter registration sa Israel.
Ang voter registration para sa overseas voting ay nagsimula noong December 12 ng nakaraang taon at matatapos sa 2024.
Madelyn Moratillo