Sirang mga ngipin, maaaring magdulot ng sakit sa puso- ayon sa eksperto

Dalawang uri umano ng sakit sa puso ang maaaring dumapo sa isang indibidual, bata man o matanda kapag hindi napangalagaan ang mga ngipin.

Kabilang dito ang impeksyon sa balbula ng puso o infective endocarditis na dito ay pinapasok ng bacteria ang balbula sa puso.

Ito ay mapanganib dahil kung hindi umano ma-opaerahan ang pasyente maaari niya itong ikamatay—at ang pinagmulan sirang mga ngipin.

Isa pang uri ng sakit sa puso ay bara sa ugat ng puso o ang Coronary artery disease, na dito ay nagbabara ang ugat sa puso.

Ayon sa mga Cardiologist, maaari itong magdulot ng pananakit sa dibdib at heart attack.

Sa mga pagsusuri, ang mga taong namamaga ang gilagid ay maaaring dapuan din daw ng sakit sa puso, malaki ang posibilidad umano ng Heart attack at Stroke—muli, dahil sa hindi napangangalagaan ang ngipin at gilagid.

Kaya naman, napakahalaga na pinangangalagaan ang mga ngipin.

Dra. Melissa Malabuyo, Dentist, Empire dental works incorporated

“Maging magandang halimbawa yung mga magulang, dapat makita sa inyo yung pag aalaga ng ngipin, dapat makita nila sa inyo yung pag aalaga ng ngipin, na mismong kayong mga magulang hindi kayo takot sa dentista. Minsan kasi, nakikita ng mga anak anak nila,  nakikita magulang nila natatakot.  Kumain ng masustansyang pagkain, mga bata mag-toothbrush palagi,  matuto kayong magmumog pag wala kayong dalang toothbrush, saka iwasan nyo ung bad habits tulad ng thumb sucking, pagkain ng matitigas masyado, candies, saka yelo.”

Samantala, may sinasabi rin ang ekspertong si Dr. Mehmet Oz, isang Cardiothoracic surgeon mula sa Columbia University na ang hindi pagsesepilyo ay maaaring makakabawas ng tatlong taon sa buhay ng isang tao. Magsepilyo, mag- Tounge cleaner at mag- floss.

Pangalagaan ang mga ngipin, upang maiwasan ang bad breath at higit sa lahat ay sakit sa puso.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *