Sistema at mga proseso, in-update ng Comelec para maiwasan na ang mga kaabalahang puminsala noon sa 2019 election
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec), na hindi na mauulit ang pitong oras na aberya sa 2019 election, sa gaganaping national at local elections sa susunod na linggo.
Sa isang panayam ay sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, na nagawa nang malaman ng komisyon ang dahilan sa likod ng aberya sa 2019 polls at in-update na nila ang kanilang system para ito ay maiwasan.
Ayon kay Garcia . . . “This time, we upgraded the system… from the transparency server in UST, we placed an equipment where data will be sent to the media servers through the media laptops in bulk.”
Ang pitong oras na data outage ng transparency server ng Comelec ay isa sa mga pangunahing isyu na nagdulot ng problema sa midterm elections noong 2019. May ilang isyu din sa mga vote counting machine at SD Card na hindi gumana.
Sinabi ni Garcia na hindi kinaya ng kanilang transparency server ang lahat ng pumasok na data ng sabay-sabay.
Aniya . . . “But media personnel at that time saw that there was data coming in to the server, data was continuously being sent in, but the problem rose when it could not be pushed to the media servers through the laptops.
Para sa taong ito, sinabi ng poll body na ang 106,000 voting precincts ay magpapadala ng data by batch ng 10,000.
Sa pagkakataong ito, sinabi ng opisyal na ipadadala ang data ng maramihan. Una ay 10,000, pagkatapos ay susundan ng 20,000, pagkatapos ay 30,000 upang praktikal na malutas ang problema
Samantala, binuo rin ng Comelec ang provincial technical hubs kung saan maaaring ipadala ang SD cards na hindi gagana. Ang mga hub ay pangangasiwaan ng staff mula sa Department of Information and Communications Technology at Department of Science and Technology.