Sistema ng pamamahagi ng ayuda,pinaaayos sa DILG
Dapat raw magsilbiong wake up call sa pamahalaan ang pagsulpot ng mga community pantry.
Ayon kay Senator Grace Poe dapat gumawa at puspusang kumilos ang gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng publiko.
Sinabi naman ni Senator Imee Marcos na bagamat patunay na buhay na buhay ang bayanihan sa dumaraming community pantry pero sumasalamin ito sa kawalan ng sapat na ayuda sa publiko mula sa gobyerno.
Dapat aniyang ayusin ang magulong sistema sa pamamahagi ng ayuda dahil maraming hindi naisama sa listahan ng benepisyaryo ng DSWD.
Giit ni Senator Marcos dapat maisaayos, mapabilis at higit sa lahat madagdagan ang tulong ng pamahalaan sa mga pamilyang tinamaan ng COVID- 19 at nawalan ng hanapbuhay.
Sa ngayon nagpapaikot ang tanggapan ni ni Sen Marcos ng Imee Kadiwa sa mahihirap na lugar upang makapagbigay ng mas mura at may diskwentong presyo ng mga pagkain at iba pang pangangailangan.
Giit ni Senator Marcos hindi tayo dapat mawalan ng pag- asa, community pantry man o anumang pagbabayanihan sa kapwa, makahahanap tayo ng solusyon para labanan ang COVID-19.
Meanne Corvera