Sistema ng pamamahagi ng Financial Assistance ng Calamba City Gov’t., ikinadismaya ng mga residente at opisyal ng Barangay Paciano Rizal.
Dismayado at Ikinalungkot ng mga opisyal ng barangay Paciano Rizal, maging ng mga residente nito ang naging sistema ng financial distribution na ginawa ng Calamba City Govt.
Inaasahan sana ng mga opisyal ng barangay gayundin ng pamilya sa kanilang lugar ay makatatanggap ng ayuda dahil iyon ang nakasaad sa Joint Memorandum Circular na inilabas ng IATF.
Ayon kay Kapitan Napoleon Baradas ng Paciano Rizal, ang populasyon sa kanilang barangay ay nasa anim na libong pamilya o katumbas labing limang libong indibidwal.
Ang pondong inilaan naman ng pamahalaan ay nasa mahigit 415 million pesos para sa kanilang lungsod.
Sinabi pa ng barangay opisyal na ang populasyon naman ng Calamba laguna ay nasa mahigit 500 thousand aniya.
Kung tutuusin daw ay kayang kayang dagdagan ng pondo ng city govt ang budget na ibinigay ng pamahalaan para lahat ng tao sa sa lungsod ay makatanggap lalo na ang mga naapektuhan ng ECQ sa buong Calamba, gaya ng ibang LGU sa region 4a na dinagdagan na lang ang kanilang pondo.
Ang ginawa ng City Govt ng Calamba ay an8g listahan ng mga SAP beneficiary noong nakaraang taon ang pinagbasehan ng pamamahagi ng ayuda na kung saan ay pili lang ang mga nabigyan ng ayuda.
Kung kaya naman nanawagan ang kapitan ng barangay kay Pangulong Duterte na sana aniya makita ng Pangulo ang tunay na sitwasyon ng mga barangay sa Calamba laguna na umaasa sa tulong na nagmumula sa National Gov’t. lalo na ang mga nasa mga tinatawag na poorest among the poor.