Sitwasyon sa Bicol Region binabantayan ng DSWD habang papalapit ang Bagyong Pepito
Habang papalapit ang Bagyong Pepito, mahigpit na binabantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 – Bicol Region, sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD), Regional Quick Response Teams (QRTs), at kanilang SWAD Team Leaders ang sitwasyon sa rehiyon, habang pinananatili ang patuloy na komunikasyon sa weather agencies at mga lokal na awtoridad upang matiyak ang isang maagap at epektibong pagtugon sa sakuna.
Photo courtesy of DSWD FB
Ngayong Sabado (Nobyembre 16), ang pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes, at PIO Duran sa Albay ay nakapamahagi na ng may kabuuang 15,900 kahon ng family food packs (FFPs) sa iba’t ibang komunidad, kabilang ang sa Presentacion, Lagonoy, Tigaon, San Jose, Goa, Caramoan, Siruma, Tinambac, Sagñay, at Buhi sa Camarines Sur.
Photo courtesy of DSWD FB
Pinanatili rin ng DSWD Bicol ang nagpapatuloy na koordinasyon sa Provincial, City, at Municipal Social Welfare and Development Quick Response Teams (QRTs), at focal persons upang matiyak ang epektibong camp coordination and management.
Photo courtesy of DSWD FB
Nakatuon din ang mga pagsisikap sa napapanahong pagdaragdag ng food at non-food supplies, habang inuuna ang kapakanan at proteksiyon ng internally displaced persons (IDPs) na nanganganlong sa evacuation centers.
Photo courtesy of DSWD FB
Bukod dito, sa pamamagitan ng suporta mula sa lokal na pamahalaan, ang DSWD FO-5 ay nakapagbigay na rin ng hot meals at mga kinakailangang ayuda sa mahigit 260 stranded individuals sa iba’t ibang mga pantalan sa buong rehiyon, at sinisiguro na ang mga pamilya at mga indibidwal ay agad na makatatanggap ng tulong habang naghihintay ng transportasyon.