Sitwasyon sa Region 10, 3 araw bago ang eleksyon, mapayapa
Isa lang ang naitalang election related violence sa Region 10.
Dahil dito, sinabi ni Supt. Surkie Sereñas, spokesperson ng Police Regional Office-10 na nagpapasalamat sila dahil walang masamang nangyari sa panahon ng election period.
Umaasa ang opisyal na hanggang sa pagdating ng eleksyon sa Lunes ay magiging mapayapa ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Sinabi pa ni Sereñas na aabot sa 8,206 ang itatalagang mga pulis na magbibigay seguridad sa halalan.
“Naideploy na ang mahigit 6,000 at hinihintay pa ang final deployment para ma-escortan ang mga election paraphernalia, at mga Board of Election inspectors sa mga areas. Hindi lamang 24 o 48 hours at tuluy-tuloy ang ating pagbabantay sa mga polling places. Doon na pansamantalang maninirahan ang mga itinalagang pulis hanggang Mayo 19″.- Supt. Surkie Sereñas, PNP Region 10 spokesperson