Siyam ang patay at 11 iba pa ang nawawala sanhi ng bagyong Maring


Rescuers evacuating residents from their homes near a swollen river in Gonzaga town, Cagayan province, north of Manila on Oct. 11, 2021. PHOTO: AFP PHOTO/GONZAGA MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (GONZAGA-MDRRMO)

Hindi bababa sa siyam katao ang nasawi habang 11 iba pa ang nawawala, matapos bumaha at magkaroon ng landslides dulot ng bagyong Maring.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat katao ang nasawi sa landslides sa Benguet, at isa ang nalunod sa Cagayan.

Pito katao naman ang nawawala sa isla ng Luzon.

Sinabi ni Cagayan provincial information officer Rogelio Sending, na 11 munisipalidad ang binaha ngunit unti-unti nang humupa kaninang umaga.

Aniya, binaha rin maging ang mga pangunahing lansangan at mga tulay.

Samantala, apat katao naman ang nasawi at ilan ang nawawala sa Palawan, bunsod ng malakas na mga pag-ulan na naging sanhi ng flash flood.

Ayon kay Earl Timbancaya, disaster officer sa lungsod ng Puerto Princesa, pito hanggang walong mga barangay ang binaha dahil sa barado o walang drainage.

Subalit nagsisimula na aniya itong humupa.

Please follow and like us: