Siyam na aplikante inirekomenda ng JBC para sa bakanteng pwesto sa SC
Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist para sa bakanteng associate justice post ng Korte Suprema.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, siyam na aplikante ang inirekomenda ng JBC.
Kasama sa mga ito sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje- Tang, at Associate Justices Geraldine Faith Econg at Rafael Lagos.
Pasok din sa shortlist sina Court of Appeals Associate Justices Ramon Cruz, Japar Dimaampao, at Maria Filomena Singh.
Inirekomenda rin ng JBC sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Deputy Court Administrator Raul Villanueva, at Ateneo Law Dean Sedfrey Candelaria.
Ang associate justice post ay ang iniwan ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Natanggap na ng Malacañang ang listahan na pagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Moira Encina